Home NATIONWIDE Bed capacity ng DOH hospitals, nakahanda sa ‘The Big One’

Bed capacity ng DOH hospitals, nakahanda sa ‘The Big One’

264
0

MANILA, Philippines – Nakahanda ang mga pasilidad ng Department of Health (DOH) sakaling tumama ang “The Big One.”

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, may kakayahan ang lahat ng DOH hospitals na magdagdag ng 10% sa kanilang bed capacity at magpatupad ng contingency plans upang maserbisyuhan ang mga pasyente sa oras ng malaking sakuna.

May sapat din aniyang surge capacity ang mga DOH hospital sa Four Quadrants ng NCR, pati emergency supplies at mga medikal na tauhan para sa mabilis na pagtugon.

Kabilang sa mga inihandang hakbang sa posibilidad ng pagtama ng “The Big One” ay ang pagtatayo ng evacuation areas, pagkakaroon ng power backup systems, at coordinated emergency response sa lahat ng ospital.

Dagdag pa ni Secretary Herbosa, bahagi ito ng mas pinaigting na disaster preparedness ng kagawaran upang matiyak na bawat buhay ay protektado sa oras ng “The Big One.”
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here