MANILA, Philippiens – Humiling ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Department of Justice nitong Miyerkules ng Immigration Lookout Bulletin (ILBO) laban sa ilang indibidwal kaugnay ng imbestigasyon sa anomalous flood control projects.
Ang kahilingan, na isinampa noong Oktubre 13, ay sumasaklaw kina:
-Former Caloocan Representative Mary Mitzi “Mitch” Cajayon-Uy
-Arturo “Art” Atayde
-Alvin Tan
-Bong Marasigan
-Elmer de Leon
-Ed Fuentebella
-Johnny Santos
-John Mary Vianney Parago
-Alvin Mariano
-Ryan Uy
-Darryl Recio
-Nestor Venturina
-Benjie Tocol
-District Engineer Aristotle Ramos
-District Engineer Michael Rosaria
-Engineer Angelita Garucha
Ipinaliwanag ng DOJ na ang ILBO ay nagbabalita sa mga awtoridad tungkol sa kinaroroonan ng mga indibidwal ngunit hindi ito pumipigil sa kanilang pag-alis ng bansa.
Nitong nakaraang linggo, naglabas na rin ang DOJ ng katulad na order laban kay Leyte Representative Martin Romualdez, Senator Francis “Chiz” Escudero, at iba pa. RNT