Home ENTERTAINMENT Jak, dinenay si Kylie!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jak, dinenay si Kylie!October 15, 2025 15:422910 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Nagpapakatotoo lang si Jak Roberto.Ito ang honest assessment ng mga netizens sa Kapuso actor na iniuugnay ngayon sa co-star niya sa My Father’s Wife na si Kylie Padilla.Sa kanyang recent guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, tahasang sinagot ni Jak kung nililigawan ba niya si Kylie.Hindi naman agad “No!” ang tugon niya, pero malinaw na hindi raw.Showbiz man ang dating ng sagot ni Jak, ramdam naman ng mga netizens ang kanyang sinseridad.Wala itong palabok o pasakalye para lang magpakilig sa mga fans.Ayon sa mga netizens, kung ibang aktor lang daw iyon na sumusunod sa bulong ng network management, madali na sanang nagsabi ng “yes.”Ngunit nilinaw naman ni Jak na hindi mahirap mahalin si Kylie, na una na niyang nakasama sa GMA teleserye na Bolera.Malapit na kaibigan daw ang turing niya sa aktres — to the point na inaalala rin niya ang mga anak nitong sina Alas at Axl.Sa katunayan, niregaluhan pa niya ang mga ito ng mga laruan upang hindi malungkot habang nasa Australia si Kylie nang dalawang linggo.Kahit single pa, ni-rule out ni Jak ang posibilidad na ligawan si Kylie.Matatandaang noong January 2 ngayong taon ay naghiwalay sina Jak at Barbie Forteza.Sa kaso ni Jak, tila hindi niya kailangang may ipalit kay Barbie sa katauhan ni Kylie para maibalik ang balanse ng kanyang buhay.O baka naman hindi lang bet ng aktor na maging instant dad — kahit magiliw siya sa mga anak ni Kylie?Puwede… Ronnie Carrasco III