Hong Kong – Anumang paratang—lalo’t walang katotohanan—ay talaga namang nakakasakit ng damdamin.
Hindi natin masisisi si Tuesday Vargas kung ito man ang kanyang maramdaman makaraang sabihang isang “total bitch” ng isang netizen na nakasabay niya kamakailan sa Hong Kong Disneyland.
Ayon sa netizen, nasaksihan daw niya ang pangit na ugali ng TV host-comedian.
Ito’y nang lapitan daw si Tuesday ng isang lola kasama ang apo nitong batang babae.
Nais sana magpa-picture ng maglola kay Tuesday, pero umirap at nagtaray daw ito.
Katwiran ni Tuesday, kaya siya nasa HK Disneyland ay para mag-relax—hindi para istorbohin.
Dagdag pa ng netizen, maging sa mga sinakyang rides daw ni Tuesday ay dedma lang ito sa mga kapwa Pinoy na nagha-hi sa kanya.
Inalmahan ito ni Tuesday, saying na wala siyang maalalang nagtaray o nagsuplada siya.
Hangga’t maaari nga raw ay magiliw niyang pinagbigyan ang mga gustong magpalitrato sa kanya.
Lalo’t kung maayos naman daw ang pakikiusap, sino siya para hindi paunlakan ang mga ‘yon?
Sa bandang huli’y himutok ng komedyana: “Please lang po, huwag naman kayong ganyan… nakakasakit kayo ng damdamin.”
Patunay ngang walang basehan ang akusasyon sa kanya ay ang magiliw na pakikitungo ni Tuesday noong nasa airport siya.