MANILA, Philippines – Hindi na makikipagtulungan sina Sarah at Curlee Discaya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), ayon kay Executive Director Atty. Brian Hosaka nitong Miyerkules.
“Sinabi na nila [ang Discayas] na hindi na sila pupunta sa komisyon at makikipagtulungan,” sabi ni Hosaka.
Dagdag pa niya, inaasahan umano ng mag-asawa na ang kanilang pakikipagtulungan ay magreresulta sa paborableng rekomendasyon bilang state witness.
Dumating ang Discayas sa ICI sa Taguig para sa pagpapatuloy ng closed-door hearings sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Ito ang kanilang ikatlong pagdalo sa komisyon. RNT