MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Lungsod ng Caloocan ang agad na kanselasyon ng klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ngayong Oktubre 15, 2025.
Ito ay kasunod ng sunod-sunod na bomb threat sa mga eskwelahan sa North at South Caloocan at sa City Hall.
Sinabi ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na ang mga paaralang nakatanggap ng bomb threat ay matatagpuan sa North at South Caloocan.
“Ang pagkansela ng klase sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan, gayundin ang pagsuspinde ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ating lungsod, ay ipatutupad kaagad kasunod ng sunod-sunod na banta ng bomba,” ayon kay malapitan.
“Agad naming sinususpinde ang klase sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan at sinususpinde ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa aming lungsod kasunod ng sunud-sunod na banta ng bomba.” Aniya.
“Naiutos na namin sa aming Caloocan City Police na tiyakin ang kaligtasan ng lahat at masusing imbestigasyon at pananagutan para sa mga nagdudulot ng gulo sa aming lungsod,” dagdag niya.






