Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa pabahay, ibinabala ng grupo sa nakaumang na taripa sa semento

Sirit-presyo sa pabahay, ibinabala ng grupo sa nakaumang na taripa sa semento

273
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang isang consumer group na maaaring magdulot ng pagtaas sa presyo ng pabahay at iba pang proyekto sa konstruksyon ang planong taripa sa imported na semento.

Ayon sa United Consumers Coalition, ang dagdag na taripa ay maaaring magtulak sa domino effect sa presyo ng mga materyales sa konstruksiyon, na sa huli ay mararamdaman ng mga mamimili at may-ari ng bahay.

Hinihikayat nila ang Department of Trade and Industry (DTI) na muling pag-aralan ang panukala at humanap ng alternatibong solusyon upang mapanatiling abot-kaya ang semento sa merkado.

Samantala, tiniyak ng DTI na isinasaalang-alang nila ang interes ng mga mamimili at lokal na industriya bago maglabas ng pinal na rekomendasyon.

Ayon sa ahensiya, layon ng taripa na protektahan ang mga lokal na manufacturer laban sa labis na pag-angkat ng semento, ngunit patuloy nilang binabalanse ang kapakanan ng negosyante at konsyumer.

Wala pang pinal na desisyon kung kailan ipatutupad ang taripa, at inaasahang ilalabas ang opisyal na anunsyo sa mga susunod na linggo matapos ang konsultasyon sa mga stakeholder. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here