Home ENTERTAINMENT Heart, tsinugi na bilang e-wallet endorser?

Heart, tsinugi na bilang e-wallet endorser?

301
0

Manila, Philippines – Kamakailan ay may pagtangging binitiwan na si Heart Evangelista ng dalawang produktong ineendorso niya.

Ito ay ang FitFlop at Tiger Balm.

The public took Heart’s camp’s word.

Ang maugong naman ngayon ay tinanggal na raw siya bilang ambassador ng isang e-wallet ang fashion icon.

Obvious na kinokonekta ito ng publiko sa pagkakadawit ng mister niyang si Senator Chiz Escudero sa umano’y P30 milyong campaign donation sa kanya, courtesy ng isa sa mga involved sa flood control anomaly.

Ang litrato kasi ni Heart ang automatic na lumalabas kapag binubuksan ang app.

Kapuna-puna ngayon na it’s no longer her photo that registers on screen.

Sa halip, ang makikita — aside from the app logo — ay mga larawan ng iba’t ibang items na maaaring bilhin.

Magugunitang nito lang January 2025 nang kuning endorser ng naturang online wallet si Heart — eh, October pa lang, tinanggal na siya?

Ano ba ang nakasaad sa pinirmahan niyang endorsement contract, na kadalasan ay lampas ng isang taon?

Your turn to speak up, Heart!
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here