Home NATIONWIDE Bato: Flood control probe, kalokohan kung ikokonekta sa Dutertes

Bato: Flood control probe, kalokohan kung ikokonekta sa Dutertes

273
0

DAVAO ORIENTAL — Tinawag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na “kalokohan” kung mauuwi sa mga Duterte ang imbestigasyon ng Senado sa umano’y korapsyon sa mga proyekto sa flood control.

Sa panayam ng ABS-CBN News habang nasa Davao Oriental, sinabi ni Dela Rosa na makakamit lang ang hustisya kung mapapanagot ang mga tunay na utak sa likod ng mga tinawag niyang “sindikato.”

“Kung hanggang district engineer lang at maliliit na pulitiko ang tatamaan, kalokohan ‘yan. Pero kung ituturo pa sa Duterte — kalokohan na talaga,” aniya.

Aminado rin si Dela Rosa na may korapsyon noong administrasyong Duterte, ngunit aniya, “Hindi naman totally malinis ang administrasyon, pero ang kalokohan, nasa Bulacan, Metro Manila, at Luzon — hindi sa Davao.”

Itinigil pansamantala ng Senado ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa flood control projects.

Si Senador Erwin Tulfo na ang pansamantalang namumuno sa komite, na mag-iimbita sa dating Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa susunod na pagdinig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here