Home NATIONWIDE Patay na sanggol natagpuan sa baybayin sa Aklan

Patay na sanggol natagpuan sa baybayin sa Aklan

300
0

MANILA, Philippines – Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang babaeng sanggol sa dalampasigan ng Barangay Jawili sa Tangalan, Aklan.

Ayon sa ulat, natagpuan ang labi ng sanggol ng mga naliligong residente sa lugar.

Agad itong iniulat sa mga awtoridad.

Nag-alay naman ng panalangin ang pari para sa nasawing sanggol na inilibing sa sementeryo sa Tangalan.

Pinaniniwalaan ng mga residente na ang natagpuang bangkay ay bagong silang na sanggol.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang ina ng sanggol o mga taong sangkot sa nangyari sa bata. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here