Home NATIONWIDE P100K tinangay ng ex-gasoline boy sa dating trabaho

P100K tinangay ng ex-gasoline boy sa dating trabaho

322
0

GENERAL SANTOS CITY – Isang dating gasoline boy ang ninakawan ang kanyang pinagtatrabahuhang gasolinahan at tinangay ang P100,000 ilang araw matapos siyang matanggal sa trabaho.

Sa ulat, sinabi na naganap ang insidente sa isang gasolinahan sa Barangay Dadiangas North nitong Martes.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang suspek na armado at inuutusan ang isang babaeng empleyado na ilagay ang pera sa isang bag.

Ayon kay Police Colonel Nicomedes Olaivar Jr., hepe ng General Santos City Police Office, tinanggal kamakailan ang suspek dahil sa mga isyung may kinalaman sa kita ng gasolinahan.

Sa simula, inakala ng mga empleyado na bumisita lamang ang dating katrabaho, ngunit kinuha nito ang baril ng security guard at saka inianunsiyo ang panghoholdap.

Alam umano ng suspek kung saan nakatago ang baril at kung saan inilalagay ang pera, kaya mabilis nitong naisagawa ang krimen.

Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek, habang nagpatupad na ng mas mahigpit na seguridad ang may-ari ng gasolinahan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here