Home NATIONWIDE Namukpok na holdaper timbog sa mga parak Bulacan

Namukpok na holdaper timbog sa mga parak Bulacan

247
0

Bulacan – Arestado ang isang lalaking sangkot sa pamumukpok sa ulo at panghoholdap sa kanilang biktima sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “Mak-mak”, residente ng Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa report, naganap ang insidente bandang 3:00 ng madaling araw noong Oktubre 12 sa isang subdivision sa Brgy. Graceville.

Batay sa imbestigasyon, pauwi ang biktima nang harangin ng mga suspek na sina alyas Mak-mak at alyas Pars lulan ng Honda Click motorcycle.

Nagdeklara si alyas Pars ng holdap subalit tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang gamit kaya pinukpok siya ng kasabwat sa ulo ng matigas na bagay at tinangay ang kanyang handbag na may cellphone.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad nagsagawa ng follow-up operation hanggang sa matunton at matukoy ang huling lokasyon ng ninakaw na cellphone gamit ang iCloud GPS tracking kaya naaresto si Mak-Mak.

Sinasabing patuloy na tinutugis ng mga awtoridad si alyas Pars na nakatakas habang nakakulong na si Mak-Mak na nahaharap sa kaukulang kaso sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here