Home NATIONWIDE 26 indibidwal na biktima ng sex trafficking nasagip sa La Union

26 indibidwal na biktima ng sex trafficking nasagip sa La Union

293
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 26 indibidwal kabilang ang pitong menor de edad at naaresto ang tatlong indibidwal na pinaniniwalaang sangkot sa umano’y sex trafficking operation sa La Union.

Ang mga naaresto ay sina Robert Cu alyas warren Cruz, Vanessa Bernaldo alyas Vhanz at isang alyas Jepot na isang menor de edad na nambubugaw sa mga biktima online.

Labing siyam na nasa hustong gulang ang nasagip, 18 dito ay babae bukod pa sa pitong menor de edad at apat sa kanila ay babae.

Ikinasa ang operasyon base sa impormasyon mula sa anti-child trafficking non-government organization na iniulat ang trafficking activities online, ayon sa NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here