Home NATIONWIDE 2 nawawalang OFW posibleng nasa Hong Kong pa rin

2 nawawalang OFW posibleng nasa Hong Kong pa rin

270
0

MANILA, Philippines – Nagbahagi ng lead sa mga lokal na awtoridad ang mga kamag-anak ng dalawang nawawalang overseas Filipino worker sa Hong Kong tungkol sa kanilang huling komunikasyon bago sila nawala noong Oktubre 4, sinabi ni Migrant Workers secretary Hans Cacdac.

Naniniwala ang mga awtoridad na nananatili sa Hong Kong ang dalawa dahil walang indikasyon ang mga rekord ng immigration na umalis sila sa bansa, ayon pa kay Cacdac.

Umapela ang DMW sa anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga nawawalang OFWs na nakilala bilang sina Mahilum Pabuaya, 24 at Aleli Perez Tibay, 33. Huli silang nakita sa Tsuen Wan District.

Ayon sa kanila, ang inisyal na impormasyon na hawak nila sa ngayon ay day-off ng dalawang OFWs noong Oktubre 4 at hindi na sila nakabalik sa kanilang employer ng nasabi ding araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here