Home ENTERTAINMENT Cristy, ‘no reax’ sa reklamo ni Claudine!

Cristy, ‘no reax’ sa reklamo ni Claudine!

1
0

Manila, Philippines – Respeto.

Ito ang ibinigay na dahilan ni Cristy Fermin sa ‘di pagsagot sa reklamong inihain sa kanila ng Cristy Ferminute co-host na si Romel Tsika nang sumipot sa NBI.

Cyber libel ang isinampa ni Claudine Barretto laban sa dalawa sa naturang ahensya.

Ani Cristy, hindi sila mag-iisyu ng anumang reaksyon bilang paggalang sa NBI.

Ibig sabihin, hindi na din magsusumite sina Cristy at Romel ng counter affidavit.

Sa halip ay hihintayin na lang daw nila sa piskalya ang pormal na reklamo ng aktres.

Bale ang tumatayong legal counsel ng dalawang respondents ay si Atty. Shirley labangcura.

The lady lawyer also represented Cristy and Romel in the cyber libel case separately filed by Bea Alonzo–na winithdraw din nito.

Hindi na bago sa ilang taon na niyang karanasan bilang manunulat ang masampahan ng libel o cyber libel–na sa

kalauna’y hindi nagpo-prosper.

Ito’y dahil ang ending- nagkakapatawaran ang mga sangkot na partido.

Kay Claudine kaya? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here