Home METRO Partnership sa CLTG Builders, itinanggi ng mga Discaya; “reality check”, kailangan –...

Partnership sa CLTG Builders, itinanggi ng mga Discaya; “reality check”, kailangan – Ombudsman Remulla

355
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Ombudsman Crispin Remulla nitong Huwebes na itinanggi ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya ang mga detalye ng kanilang partnership sa Davao City-based firm na CLTG Builders na pag-aari ng pamilya ni Senator Bong Go.

Sinabi din ni Remulla na nangangailangan ng “reality check” ang mag-asawang Discaya at harapin ang katotohanan dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga ghost at substandard na flood control projects sa bansa.

Ang pahayag ni Remulla ay kaugnay sa naging desisyon ng mga Discaya na hindi na makikipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nilikha ng Palasyon sa pagsisiyasat sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno.

Sinabi ni Remulla na habang ang mag-aswang Discaya ay nagsabi sa mga awtoridad ng impormasyon na magpapatunay kay retired Department of Public Works and Higways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, ay hindi pa rin iyon sapat.

Aniya, pinipili lamang ng mag-asawang Discaya ang gusto nilang sabihin maging sa mga congressman at senador ay ayaw umano nilang sabihin lahat.

Sa kabila nito, sinabi ni Remulla na hindi na makakaiwas ang mga Discaya sa mga kasong kriminal at kasunod na pagkakakulong at ang tanging pagpipilian nila ay magpasok ng plea bargain o plea upang mabawasan ang kanilang parusa at ibalik ang kanilang ninakaw na pondo ng gobyerno sa kaban ng bayan.

Ayon kay Remulla, ang kanilang desisyon ay epektibong isinara ang kanilang pakiusap na maging mga state witness.

Anuman ang desisyon ng mga Discaya, sinabi ni Remulla na mananatiling hindi maaapektuhan ang imbestigasyon ng kanyang tanggapan. Jocelyn Tabagcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here