Home HOME BANNER STORY Dizon nagbabala sa mag-asawang Discaya sa pagputol sa pakikipagtulungan sa ICI

Dizon nagbabala sa mag-asawang Discaya sa pagputol sa pakikipagtulungan sa ICI

266
0

MANILA, Philippines – Binalaan ni DPWH secretary Vince Dizon ang mag-asawang Discaya sa mas matinding kahihinatnan kung itutuloy nila ang kanilang desisyon na huminto sa pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng flood control ng pamahalaan.

“Kailangang mag-cooperate sila, kung hindi sila mag-cooperate, pasensiyahan tayo. Ganon lang kasimple yun,” saad ni Dizon.

Ang balala ni Dizon ay matapos inihayag ng kampo ng mga Discaya sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na hindi na sila makikipagtulungan sa gobyerno kaugnay sa imbestiagsyon ng katiwalian sa proyekto na mga substandard, hindi tapos at mga ghost project.

Kabilang ang kumpanya ng mag-asawang Discaya sa top 15 na na-awardad ng flood control projects ng gobyerno.

Samantala, nagsagawa ang ICI ng kanilang Asset Recovery Meeting kabilang si Dizon, Customs Commissioner Ariel Nepomuceno gayundin ang iba pang opisyal mula sa DOJ, DICT, AMLC at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here