Home HOME BANNER STORY Pagpapalipad malapit sa bulkang Mayon, Bulusan, Kanlaon, Taal ipinagbawal ng CAAP

Pagpapalipad malapit sa bulkang Mayon, Bulusan, Kanlaon, Taal ipinagbawal ng CAAP

336
0

MANILA, Philippines – Ipinagbawal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga flight malapit sa mga lugar ng Bulkang Mayon, Bulusan, Kanlaon at Taal hanggang alas-9 ng umaga sa Biyernes, Oktubre 17, dahil sa patuloy na aktibidad ng mga nasabing bulkan.

Ang notice to airmen (NOTAMs) ay inilabas ngayong Huwebes ng umaga at sakop ang mga flight malapit sa Mayon Volcano sa Albay; Bulkang Kanlaon sa Negros; at Taal Volcano sa Batangas.

Sinasaklaw ng advisory ang mga flight na may mga vertical na limitasyon mula sa ibabaw hanggang sa 11,000 talampakan pataas.

Sa katulad na notice ngayong Huwebes ng umaga, nagpataw din ang CAAP ng vertical limit na hanggang 10,000 talampakan mula sa lupa para sa mga flight malapit sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

“All flight operators are strongly advised to avoid flying close to volcanic summits and to continuously monitor NOTAMs for updates,” saad ng ahensya.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagtaas ng aktibidad sa Mayon noong Setyembre.

Samantala, nagkaroon ng 72 volcanic earthquakes ang Bulusan noong Oktubre 11.

Nagkaroon ng minor phreatic eruption ang Taal noong Oktubre 13 at ang Kanlaon ay nagkaroon ng 81 volcanic earthquakes ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Phivolcs. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here