Home METRO Rocket debris ng Tsina, maaaring nahulog malapit sa Palawan, Tubbataha Reef, Basilan...

Rocket debris ng Tsina, maaaring nahulog malapit sa Palawan, Tubbataha Reef, Basilan – PhilSA

282
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Huwebes na ang mga debri mula sa Long March 8A rocket launch ng China ay maaaring nahulog sa tubig malapit sa Palawan, Tubbataha Reef Natural Park, at Basilan.

Sa isang advisory, sinabi ng PhilSA na ang Chinese rocket debris ay inaasahang bumagsak sa mga sumusunod na lugar:

-118 nautical miles away from El Nido, Palawan
-137 NM away from Puerto Princesa, Palawan
-45 NM away from Tubbataha Reef Natural Park
-34 NM away from Hadji Muhtamad, Basilan

Sinabi ng PhilSA na ang Long March 8A rocket ay inilunsad mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan bandang 9:33 ng umaga noong Huwebes (oras ng Maynila).

Ang mga detalye ng rocket drop zone ay isiniwalat sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NOTAM) na babala ng isang ‘aerospace flight activity.’

Sinabi ng PhilSA na bago ang paglulunsad, nagpakalat ang ahensya ng pre-launch report sa mga kinauukulang ahensya at awtoridad ng gobyerno.

Sinabi ng ahensya na ang Chinese rocket debris ay hindi inaasahang mahuhulog sa mga land features o mga tinatahanang lugar.

Gayunpaman, nagbabala ang PhilSA na ang pagbagsak ng mga debris ay nagdudulot ng panganib at potensyal na panganib sa mga barko, sasakyang panghimpapawid, fishing boat, at iba pang sasakyang pandagat na dadaan sa drop zone. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here