Home HOME BANNER STORY LTFRB nagsasagawa na ng inspeksyon sa mga terminal, para sa paghahanda sa...

LTFRB nagsasagawa na ng inspeksyon sa mga terminal, para sa paghahanda sa Undas

289
0

MANILA, Philippines – Inutusan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Vigor Mendoza II ang lahat ng regional directors ng ahensya na simulan ang inspeksyon sa lahat ng bus at iba pang transport terminals bilang paghahanda sa paggunita sa Undas (All Saints’ Day and All Souls’ Day) ngayong Nob. 1 at 2.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Mendoza na ang paghahanda ay naaayon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang ginhawa at kaligtasan ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan.

“We will also make sure that all buses and other public transport vehicles are safe—from the vehicles to the drivers and conductors— to ensure that passengers will go to their destinations safe and comfortable,” aniya.

Ayon pa sa kaniya, kinakailangan ng maayos at malinis na comfort rooms (CR) sa mga terminals, gayundin ang mga komportableng waiting areas at maayos na booking process para sa mga pasahero.

Para matiyak ang pagsunod, magdedeploy ang LTFRB ng mga “mystery passenger” sa buong bansa para suriin ang kalagayan ng mga bus station at transport terminals simula Oktubre 24. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here