Home METRO Drayber na umararo ng mga motorsiklo sa Kyusi, iniimbestigahan ng LTO

Drayber na umararo ng mga motorsiklo sa Kyusi, iniimbestigahan ng LTO

312
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang isang Utility Vehicle (UV) Express driver na umararo sa ilang motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, tiniyak ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na tututukan ang Intelligence and Investigation Division sa imbestigasyon.

Ang 51-anyos na driver, na kinilalang si Ruel Dela Cerna, ay nagmamaneho ng UV Express na bumangga sa mga motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Barangay UP Campus, malapit sa central office ng Commission on Human Rights.

Si Dela Cerna ay inaresto ng Quezon City Police District (QCPD)-Traffic Sector habang ang mga tauhan ng LTO ay nagsagawa ng sobriety at alcohol breath analyzer test sa driver.

“Bagaman negatibo ang resulta, sasailalim din ito sa drug test,” saad ni Lacanilao.

Isang rider ang namatay, ayon sa mga ulat na sumipi kay QCPD Director Col. Randy Glenn Silvio. Sa inisyal na impormasyon na inilabas, sinabing 13 motorsiklo at isang kotse ang binangga ng UV Express. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here