MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes na isang Pinoy na nag-hiking trip sa Northern Japanese Alps ang namatay matapos makaranas ng hypothermia.
Sinabi ng DFA na ang Philippine Consulate General sa Nagoya ay nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Japan upang magbigay ng tulong sa pamilya ng nasabing Pinoy na nasawi noong Oktubre 12 matapos mag-hike sa Mt. Oku-Hotakadak kasama ang isang grupo ng mga kapwa Filipino mountaineers. RNT/MND