Home HOME BANNER STORY TS Ramil bumagal; storm surge sa ilang probinsya, ibinabala

TS Ramil bumagal; storm surge sa ilang probinsya, ibinabala

279
0

MANILA, Philippines – Bumagal ang pagkilos ng Tropical Storm Ramil habang patungong hilagang-kanluran sa ibabaw ng dagat, silangan ng Sorsogon, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado.

Sa tala nitong alas-8:00 ng umaga, namataan si Ramil sa layong 260 km. silangan ng Juban, Sorsogon, taglay ang maximum sustained winds na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph, kumikilos pakanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang Signal No. 2 sa Camarines Norte, Catanduanes, ang hilagang bahagi ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, San Jose, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, at Presentacion), at Polillo Islands.

Samantala, Signal No. 1 ay nakataas sa Cagayan, Babuyan Islands; Isabela; Quirino; Nueva Vizcaya; Apayao; Abra; Kalinga; Mountain Province; Ifugao; Benguet; Ilocos Norte; Ilocos Sur; La Union; Pangasinan; Aurora; Nueva Ecija; eastern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, at Angat); eastern portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Victoria, City of Tarlac, La Paz, Concepcion, at Gerona); eastern portion ng Pampanga (Magalang, Arayat, at Candaba); northern at eastern portions ng Quezon (Tagkawayan, Perez, Alabat, Quezon, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Gumaca, Plaridel, Agdangan, Pagbilao, Mauban, Calauag, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, San Narciso, Buenavista, San Francisco, San Andres, Mulanay, General Nakar, Infanta, Real, at Sampaloc), Polillo Islands; nalalabing bahagi ng Camarines Sur; Albay; Sorsogon; Burias Island; at Ticao Island.

Nakataas din ang Signal No. 1 sa Northern Samar; northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Dolores, Maslog, Jipapad, Taft, at Can-Avid); at northern portion ng Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Calbayog City, Gandara, Santa Margarita, Pagsanghan, at San Jorge).

Si Ramil ay tinatayang lilipat sa kanluran-hilagang-kanluran patungo sa lugar ng Gitnang-Southern Luzon.

Sa forecast track, si Ramil ay maaaring mag-landfall o dumaan malapit sa Catanduanes Sabado ng hapon o gabi.

Pagkatapos, magpapatuloy ito sa paggalaw pakanluran-hilagang-kanluran, dadaan malapit sa Vinzons, Camarines Norte, at Polillo Islands sa Linggo ng umaga.

Pagsapit ng Linggo ng umaga o hapon, liliko si Ramil sa hilagang-kanluran at maaaring maglandfall muli sa Aurora o Isabela at lalabas sa West Philippine Sea pagsapit ng Linggo ng hapon o gabi.

Isang storm surge warning naman ang itinaas para sa ilang lugar sa Luzon at Visayas dahil sa Tropical Storm Ramil (international name: Fengshen), sinabi ng state weather bureau.

Sa kanilang 8 a.m. advisory, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) na mayroong “minimal to moderate risk of storm surge sa susunod na 36 na oras, na may tinatayang taas na isa hanggang dalawang metro” sa mga sumusunod na mabababang baybayin ng mga lalawigan sa Albay, Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Eastern Samar, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Marinduque, Masbate, Pangasinan, Quezon, Sorsogon, Zambales, Western Samar, at Northern Samar.

Nagbabala ang Pagasa na ang storm surge ay maaaring magdulot ng minimal hanggang sa katamtamang pinsala sa mga komunidad, coastal at marine infrastructure, at makagambala sa mga aktibidad na may kaugnayan sa dagat.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga residente sa mga lugar na ito na lumayo sa baybayin at kanselahin ang lahat ng aktibidad sa dagat.

Ang bagyo ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Lunes ng umaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here