Home TOP STORIES Hirit ni Ang sa DOJ: Missing sabungeros case ibalik sa CIDG

Hirit ni Ang sa DOJ: Missing sabungeros case ibalik sa CIDG

262
0

MANILA, Philippines – Hiniling ngayon ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang sa Department of Justice (DOJ) na ibalik sa Philippine National Police—Criminal Investigation and Detection Group(PNP-CIDG) ang imbestigasyon sa nawawalang kaso ng sabungero.

Sa kanyang sinumpaang affidavit na isinumite sa DOJ, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Gabriel Villarreal, iginiit ni Ang na ibalik ang kaso sa CIDG para sa maayos at wala umanong kinikilingan na imbestigasyon.

Sinabi ni Atty. Gabriel na ang isang mapagkakatiwalaang reinvestigation ng kaso ng pulisya ay hahantong sa isang maayos na case build-up ng DOJ panel, na katanggap-tanggap sa lahat ng partido na kinauukulan.

Kasama ng kanyang mga abogadong si Ang ay lumutang sa DOJ para ihain ang kanyang sinumpaang counter-affidavit na ibinasura ang lahat ng mga kaso na inihain laban sa kanya ni self-proclaimed whistleblower Julie “Dondon” Patidongan.

Sinabi ni Gabriel na inosente si Ang sa lahat ng akusasyong ibinato sa kanya ni Patidongan, na anila ang tunay na utak ng malagim na krimen.

Nabatid na nakapasok si Ang sa DOJ building nang hindi napapansin ng media, at ayon sa kanyang abogado, gusto ng kanyang kliyente na i-undego ang proseso ng parehas at patas na imbestigasyon.

“Nandito si Mr. Ang hindi lang para isumite ang sarili sa legal na proseso kundi iwaksi ang malisyosong tsismis na umalis na siya ng bansa,” ani Gabriel. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here