Home NATIONWIDE Bukidnon–Davao road sa Bukidnon, tinamaan ng landslide

Bukidnon–Davao road sa Bukidnon, tinamaan ng landslide

373
0

MANILA, Philippines — Hindi madaanan ang malaking bahagi ng Bukidnon–Davao road sa Sitio Kipolot, Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon matapos ang landslide na tumama nitong Biyernes, Oktubre 18.

Ayon sa Municipal Public Safety Office (MPSO) ng Quezon, ipinagbawal muna ang pagdaan sa apektadong bahagi ng kalsada para sa kaligtasan ng mga motorista.

Nagsasagawa ngayon ng assessment, clearing, at rescue operations sa lugar ang mga team mula sa MPSO, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Engineering Office (MEO) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa paligid, kaya pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta habang sarado pa ang nasirang bahagi ng kalsada.

Ayon kay Lyle Justine Egay, public information officer ng Quezon LGU, patuloy na mino-monitor ng MPSO ang sitwasyon at naglalagay ng mga babala at signages sa paligid ng landslide area.

Batay sa travel advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–Northern Mindanao, maaaring dumaan ang mga patungong Davao City mula Cagayan de Oro City o Bukidnon sa Valencia City–Tagum City–Davao City route.

Alternatibong ruta rin ang Camp 1 junction sa Maramag, Bukidnon–Kabacan, Cotabato–Davao City road. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here