Home METRO Tricycle driver kulong sa pagdadala ng baril

Tricycle driver kulong sa pagdadala ng baril

280
0

MANILA, Philippines – Kulong ang isang tricycle driver matapos arestuhin ng pulisya dahil sa pagbitbit ng hindi lisensyadong baril sa Malabon City.

Ang naarestong suspek na si alyas “Arnel”, 38, ng Anonas Road, Brgy. Potrero ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

Sa ulat, nakatanggap ang mga tauhan ng Patrol Base (PB1) ng impormasyon mula sa isang barangay informant kaugnay sa isang lalaki na may bitbit umanong baril habang gumagala sa Anonas Road.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng PB1 at naaktuhan nila ang naturang lalaki na naglalakad habang may hawak umanong baril.

Maingat nila itong nilapitan saka sinunggaban sabay nagpakilala bilang mga pulis bago kinumpiska ang dalang baril na isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala.

Nang walang maipakita ang suspek na kaukulang mga dokumento hinggil sa legaledad ng nasabing baril ay agad itong inaresto. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here