Home NATIONWIDE PCG nagsagawa ng pre-emptive evacuation sa Antique sa epekto ng bagyong Ramil

PCG nagsagawa ng pre-emptive evacuation sa Antique sa epekto ng bagyong Ramil

286
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang Coast Guard District Western Visayas (CGDWV) bilang tugon sa insidente ng mga pagbaha na iniulat sa Libertad, Antique, dahil sa bagyong Ramil.

Ligtas na inilikas ang mga apektadong residente mula sa Barangay Bulanao, Barangay Taboc, at Barangay Union matapos umabot sa tuhod ang tubig baha at pumasok sa ilang bahay sa lugar.

Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga local government units para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong komunidad.

Samantala, nagsagawa rin ng rescue at evacuation operation ang Philippine Coast Guard District Western Visayas (CGDWV) sa Roxas City at kalapit na munipalidad sa Capiz.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Bolo, Tisa, at Lawaan sa Roxas City, gayundin ang Barangay Ondoy sa Ivisan, Capiz.

Agad na pinakilos ang Coast Guard Station (CGS) Roxas upang tulungan ang mga apektadong residente at tiyakin ang kanilang ligtas na paglikas sa mga itinalagang shelter. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here