Home METRO P50-M jackpot ng Ultra Lotto 6/58, pinaghatian ng dalawang mananaya

P50-M jackpot ng Ultra Lotto 6/58, pinaghatian ng dalawang mananaya

349
0

MANILA, Philippines – Dalawang mapalad na mananaya ang nanalo ng mahigit P50 milyong jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Linggo, Okt. 19, 2025.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office na nahulaan ng dalawang nanalo ang panalong kumbinasyon na 16-09-25-17-10-15 ng Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize na umabot sa P 50,952,075.80.

Samantala, walang nanalo para sa Superlotto 6/49, na may jackpot prize na P 112,796,478.40.

Ang panalong kumbinasyon para sa Superlotto 6/49 noong Oktubre 19 ay 42-28-39-29-26-10. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here