Home METRO Lalaking gustong ‘bumembang’ timbog sa mga parak

Lalaking gustong ‘bumembang’ timbog sa mga parak

194
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nagbantang papatay kung hindi makikipagtalik sa kanya ang kinakasama sa bayan ng Santa Maria nitong Oktubre 18 ng gabi.

Sa ulat ni PLTCOL Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria police station, kinilala ang suspek na isang 43 anyos na delivery rider habang ang biktima ay 28 anyos na online seller, residente ng Brgy. Pulong Buhangin.

Ayon sa report, naganap ang pagbabanta ng suspek sa kanyang live-in partner bandang 6:30 ng gabi sa Brgy. Pulong Buhangin.

Nabatid na may masamang mangyayari umano sa kanila ng tatlo niyang anak kung tatanggihan ang kagustuhan nitong makipagtailk habang hawak ang caliber .38 revolver.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilagay ng suspek ang baril sa kabinet at lumabas ng silid kaya agad kinuha ng biktima at tumakas upang isuko ito sa mga opisyal ng barangay.

Nang makarating sa istasyon ang nangyari ay agad rumesponde ang mga pulis kasama ang mga tanod sa lugar kaya agad naaresto ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here