Home METRO Pasay mayor pinarangalan bilang TOFA 2025 Most Influential Filipino Awardee

Pasay mayor pinarangalan bilang TOFA 2025 Most Influential Filipino Awardee

413
0

PASAY CITY, Philippines – Kinilala bilang isa sa mga tumanggap ng Top Outstanding Filipino Awards (TOFA) si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ginanap sa Estados Unidos nitong nakarang Sabado, Oktubre 18.

Si Calixto-Rubiano ay isa sa 100 Most Influential Filipinos in the World awardee mula sa award-winning body na TOFA kung saan si TV talk show host Boy Abunda ang nag-anunsyo ng kanyang pangalan para tanggapin ang karangalan bilang TOFA 2025 Most Influential Filipino Award.

Ang Pamahalaang Lungsod Pasay, kaisa ang bawat Pamilyang Pasayeño, ay lubos na ikinagagalak at bumabati kay Calixto-Rubiano sa pagtanggap ng kanyang karangalan na ipinagkaloob ng TOFA.

Ito ay dahil sa pagpapakita ng kahanga-hangang gawain at programa na nakakapagpabago sa buhay ng mga tao, pamayanan, at sa kasaysayan sa pamamagitan ng kanyang Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod.

Ang ika-15th Edition ng TOFA Awards ay ginanap sa Orleans Showroom sa Las Vegas, Nevada, USA. (James I. Catapusan)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here