Home METRO Rider patay, pasahero sugatan nang mahulog sa bangin sa Cebu

Rider patay, pasahero sugatan nang mahulog sa bangin sa Cebu

273
0

CEBU CITY, Philippines – Patay ang isang rider habang sugatan ang kanyang pasahero matapos tumalon sa bangin ang kanilang sinasakyang motorsiklo, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Alberto Lapesigue, 57-anyos, residente ng Zone 7, Asinan, Barangay Mantuyong, Mandaue City habang nilapatan ng lunas sa ospital ang pasahero nitong si Floyd Perez Jr.

Batay sa report ng Cebu City Police Office (CCPO) Traffic Enforcement Unit (TEU), bandang 12:57 PM Sabado Oktubre 18, 2025 naganap ang insidente sa Purok Upper Barangay Cambinocot, Cebu City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na galing sa Purok 4 ang mga biktima at habang binabaybay ang kalsada bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela si Lapesigue.

Dahil dito, nahulog sila sa bangin at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Agad naman dinala sa ospital ng mga rumespondeng otoridad si Perez para lapatan ng lunas ang tinamo nitong sugat.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here