MANILA, Philippines – Patay ang drayber habang sugatan ang limang motorista matapos na masunog ang isang wayward cargo truck nang masangkot sa aksidente sa Atimonan, Quezon nitong umaga ng Lunes, Oktubre 20.
Ayon sa Atimonan police, ang cargo truck ay minamaneho ni “Rolando” na bumabagtas sa pakurbang bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Malinao Ilaya bandang alas-6:40 ng umaga. Nawalan ito ng kontrol sa sasakyan dahil sa mechanical trouble.
Napaulat na bumangga ang wayward truck sa gilid ng kalsada, nkaparadang sirang trak, bago tumagilid at bumangga rin sa dalawa pang tricycle.
Matapos ang pagbangga ay nasunog naman ang trak na agad sumabog.
Na-trap sa loob ng nasusunog na trak si Rolando na namatay on the spot.
Kinilala naman ang mga sugatan na sina Edwin, 58; at Merial, 28 na mga tricycle driver, at tatlo nitong pasahero na sina “Amethys,” 13, “Jamela,” 11, and “Angel,” 13.