Home NATIONWIDE SK leaders hinimok, pondo gamitin sa kapaki-pakinabang na proyekto

SK leaders hinimok, pondo gamitin sa kapaki-pakinabang na proyekto

262
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng National Youth Commission ang mga lider ng Sangguniang Kabataan na gamitin ang kani-kanilang mga pondo sa kapaki-pakinabang at makabuluhang proyekto.

Ayon kay NYC Chairman Usec. Jeff Ortega, maaaring tularan ng mga SK leader ang inilunsad na makukulay na mural na pininturahan ng mga kabataan kasama ang ibat-ibang civic organizations gaya ng Filipinos Do Not Yield Movement, BLESSED MOVEMENT sa isang bahagi ng pader ng Manila North Cemetery.

Dito ay ibinandera ng grupo ang katagang AMIN ANG WEST PHILIPPINE SEA.

Ayon kay Ortega, maaaring gawing opsyon ang mural painting na sumusuporta sa laban ng bansa para sa West Philippine Sea (WPS) sa halip na kung ano-ano ang ginagawang proyekto ng mga SK.

Aniya, malaking tulong ito para ipaalala sa publiko na may lumalaban para sa karapatan ng bansa at maipabatid sa kabataan na siyang mga susunod na henerasyon kahalagahan ng laban sa WPS. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here