MANILA, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na walang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hinihintay pa ang batas na ipapasa ng Bangsamoro government para sa gaganaping BARMM Parliamentary Elections 2026 kaya sinuspinde muna ang voter registration sa BARMM.
“Kapag po kasi nagtuloy tayo baka po akalain ng mga taga bangsamoro na yung pagpaparehistro nila ay automatically makakaboto sila sa parliamentary electikns para po maiwasan ang kalituhan magkakaroon sila ng registration pagdaring ng buwan ng mayo sa susunod na taon,” pahayag ni Garcia sa ambush interview sa pag-arangkada ng voter registration ngayong Oktubre 20 sa Luneta.
Sakali naman aniyang nakapagparehistro sa Maynila ang isang residente ng BARMM sa ilalim ng Register Anywhere Program– tatanggapin pa rin ng Comelec ang aplikasyon pero ipapasa muna ito sa local Comelec office at hindi pa ito agad aaprubahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden