Home ENTERTAINMENT Pokwang, may hanash sa DepEd!

Pokwang, may hanash sa DepEd!

317
0

Manila, Philippines – The Big One.

Ito ang labis na pinangangambahang–God forbid–pagyanig sa Metro Manila dala ng sunud-sunod na naitalang earthquake sa iba’t ibang panig ng bansa.

May paghahanda naman ang ilang mga ahensya ng pamahalaan.

To make matters worse, sumabay pa ang pagsirit ng mga kaso ng influenza-like na mga sakit–dahilan para isuspindi ang klase sa mga pampublikong paaralan last week, October 13 at 14.

Hindi ang banta ng lindol ang dahilan pero hindi maiaalis ang pagkabahala lalo na ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Natural kasing apektado ang mga istraktura tulad ng mga gusali sa mga paaralan.

Dahil dito’y hindi na nag-aksaya si Pokwang para idaan sa kanyang Instagram ang panawagan sa Department of Education na suspindihin ang mga online classes maging sa mga pribadong eskuwela.

Himutok ng TV host-comedienne: “Dahil ba nasa private school ang mga anak namin? Gawa ba sa titanium (uri ng bakal) ang mga katawan nila?” post ni Pokwang.

Nilinaw niya na mabagal umano magdesisyon ang DepEd kung sususpindihin o hindi ang klase sa mga private schools.

Karaniwan nga naman kasing ang advisory ay nanggagaling sa naturang kagawaran, o di kaya’y mula sa mga LGUs na sumasakop dito.

Hindi kasamang sinususpinde ang mga private schools, na gustong ibilang ni Pokwang dahil pareho lang naman ang nakaambang peligro.

Giit pa ni Pokwang, she is calling the attention of DepEd as a mother who represents every concerned parent.

Sana’y mapag-aralan ang mungkahi ng komedyana na–in fairness–is a valid one.

At least, hindi na puro mga hanash niya sa buhay ang ine-emote ngayon ni Pokie! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here