Home METRO Fish vendor, nakalawit sa P408K ‘tobats’

Fish vendor, nakalawit sa P408K ‘tobats’

2
0

PANGASINAN – Arestado ang isang 29-anyos na fish vendor matapos umanong makuhanan ng P408,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Binmaley, Pangasinan nitong Sabado, Nobyembre 7.

Ang suspek ay rehistradong residente ng Dagupan City ngunit kasalukuyang naninirahan sa Binmaley.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-12:35 ng tanghali ng pinagsanib na puwersa ng Police Drug Enforcement Unit-Pangasinan PPO, Provincial Intelligence Unit, Regional Police Drug Enforcement Unit 1, Police Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 1 at Binmaley Municipal Police Station, katuwang ang PDEA Region 1.

Narekober umano sa suspek ang tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang nasa 60 gramo ang timbang ng nakumpiskang ilegal na droga na may street value na P408,000.

Narekober din ng mga awtoridad ang ilang non-drug evidence mula sa suspek.

Isinagawa sa lugar ng operasyon ang inventory at markings ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensiya ng suspek at mga mandatory witness.

Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here