MANILA, Philippines – Sinabi ni Department of Education (DepEd) naumabot sa P1.08 bilyon ang pinsala sa mga paaralan sa Masbate dahil sa Bagyong Opong.
Ang nasabing bagyo ay nakaapekto rin sa 1,651 na silid-aralan, karamihan sa Masbate City.
Sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na marami nang nasisimulang ayusin, at ilan ay ganap nang naibalik.
Inaasahang matatapos ang pangunahing rehabilitasyon sa pagitan ng Disyembre 2025 at Pebrero 2026.
Naglagay ang DepEd ng pansamantalang silid-aralan upang hindi maantala ang pag-aaral, at naglaan ng karagdagang pondo para sa pagpapatuloy ng pagkukumpuni.
Binigyang-diin ni Angara na inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buong tulong ng gobyerno hanggang sa tuluyang makabangon ang mga paaralan at komunidad.
Pinabilis din ng DepEd ang pagkukumpuni sa iba pang rehiyon na naapektuhan ng sakuna upang palakasin ang disaster resilience ng mga pampublikong paaralan sa bansa. Santi Celario