MANILA, Philippines – Pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang mga magsasaka mula Gitnang Luzon at Timog Katagalugan sa harap ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City bilang ika-6 na araw ng kanilang kampuhan.
Matapos ang programa at pagsusunog ng effigy, nag-caravan ang grupo patungong Liwasang Bonifacio at magmamartsa sa Mendiola upang kondenahin ang korapsyon sa flood control at farm-to-market road projects, at manawagan para sa tunay na reporma sa lupa. Danny Querubin