Home HOME BANNER STORY Ill-gotten wealth pinarerekober ng grupo ng negosyante kay PBBM

Ill-gotten wealth pinarerekober ng grupo ng negosyante kay PBBM

317
0

MANILA, Philippines – Hinihimok ng mahigit 30 business groups si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipatupad ang reporma sa institusyon at siguraduhing mabawi ang ill-gotten wealth kaugnay ng isyu sa korapsyon sa flood control at infrastructure projects.

“Yet, trillions of pesos supplied and intended to protect our communities from disasters have been squandered through ghost projects, substandard work, and inflated contracts. This is more than financial loss – it is a fatal breach of public trust that leaves our people vulnerable and outraged,” saad sa joint statement ng business group.

Hiniling ng mga grupo na bigyan ng ganap na kapangyarihan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI), magkaroon ng regular na ulat sa publiko tungkol sa imbestigasyon, ilabas ang lahat ng audit findings, at papanagutin ang lahat ng sangkot, anuman ang katungkulan o koneksyon.

Sa kabilang banda, tiniyak ng Palace press officer na si Atty. Claire Castro na kumikilos ang administrasyon.

“Marami na pong nagawa at marami pa pong iniimbestigahan. Nararamdaman po ng Pangulo at ng administrasyon ang mga nararamdaman ng mga businessmen kaya po patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga at patuloy ang pagpapabilis ng aksiyon para po mapanagot ang dapat na mapanagot.”

Ayon sa Department of Finance, ang mga “ghost” flood control projects ay maaaring nagdulot ng P42.3 bilyon hanggang P118.5 bilyong pinsala sa ekonomiya at naapektuhan ang 95,000 hanggang 266,000 trabaho.

Iniutos din ni Marcos ang pagsusuri ng budget ng DPWH at paglulunsad ng website para i-report ang anumang anomalya matapos matuklasan na 15 kumpanya ang nakakuha ng 20% ng flood control contracts sa nakalipas na tatlong taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here