Home ENTERTAINMENT MTRCB, pinag-aaralan na ang mga reklamo laban sa PBB!

MTRCB, pinag-aaralan na ang mga reklamo laban sa PBB!

1
0

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ilang mga eksena at interaction sa mga episode ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” matapos matanggap ng ahensya ang mahigit 100 na reklamo mula sa mga manonood.

May dalawang pangunahing insidente na naging sentro ng diskusyon.

Una ay ang pinag-usapan online na paggamit ng salitang “dinosaur” sa mga usapan ng ilang male housemates, kabilang sina Raheel Bhyria, Anthony Constantino at Ethan Benares, kaugnay ng kanilang interaksiyon kay Gehlee Dangca.

May mga manonood na nakaramdam na tila ginagawang premyo o tropeo si Gehlee sa biruan at usapan ng mga lalaki.

Naging kontrobersiyal ito dahil sa tanong kung tama bang gawing paksa ng kompetisyon o biruan ang isang babae nang hindi isinasaalang-alang ang kanyang damdamin at dignidad.

Isa pang umani ng negatibong reaksiyon ay ang insidente kung saan tinawag umano ni Anthony si Primo na “little dookie.”

Ang salitang dookie ay slang para sa dumi o poop.

Naging viral rin ang kuwento ni Primo tungkol sa naturang pagtawag sa kanya at ang naging pakikitungo sa kanya ng ilang housemates.

May mga netizen na kumuwestiyon kung ang ganitong asal ay angkop sa isang programang pinanonood ng iba’t ibang edad.

Sabi ng MTRCB, tatalakayin nito ang mga hinaing ng mga manonood sa isang pagpupulong kasama ang production team ng show.

Pinaalalahan ng MTRCB ang PBB management na mag-ingat at siguruhin na ang bawat episode ay tumatalima sa mga guideline para sa assigned age rating ng sikat na reality television show. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here