Home NATIONWIDE AFP nakakuha ng pinakamataas na trust, satisfaction ratings sa OCTA poll

AFP nakakuha ng pinakamataas na trust, satisfaction ratings sa OCTA poll

289
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pinakamataas na antas ng tiwala at kasiyahan mula sa publiko ang Armed Forces of the Philippines (AFP), batay sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.

Sa isinagawang face-to-face survey noong Setyembre 25 hanggang 30, 2025 sa 1,200 respondents, 73% ng mga Pilipino ang nagpahayag ng tiwala sa AFP, habang 73% din ang nagsabing kuntento sila sa performance ng militar.

Pinakamalakas ang suporta sa Mindanao (84%) at sa National Capital Region (82%).

Ayon sa OCTA, nananatiling mataas ang tiwala at kasiyahan sa AFP dahil sa “integrity, epektibong serbisyo, at pagiging apolitical at propesyonal” ng institusyon.

Sa parehong survey, 83% ng mga respondent ang naniniwalang mahalaga ang West Philippine Sea sa karapatan pandagat ng bansa at dapat itong ipagtanggol.

Samantala, 78% ang nagsabing matagumpay ang AFP sa pagprotekta rito laban sa panlabas na banta, at 80% ang pumapabor sa pagpapatuloy ng security partnerships ng bansa sa mga kaalyado tulad ng Estados Unidos.

Ipinaliwanag ng OCTA na maaaring resulta ito ng tuloy-tuloy na modernisasyon ng AFP at ng mga hakbang nito sa national defense at humanitarian operations.

“The AFP’s consistently high trust and performance ratings reflect the public’s continuing demand for competent, professional, and apolitical institutions that deliver effective public service,” pahayag ng OCTA.

Dagdag pa ng research firm, nagpapakita ang resulta ng “malawak na pambansang pagkakaisa sa kahalagahan ng AFP sa pagtatanggol ng soberanya at karagatang sakop ng Pilipinas.”

Ang survey ay may ±3% margin of error sa 95% confidence level, at inatasan ng AFP mismo.

Sa pahayag ng AFP, pinasalamatan ng pamunuan ang bawat sundalo, piloto, mandaragat, at marine na anila’y “nagpatunay ng propesyonalismo at walang pag-iimbot na paglilingkod.”

“Together with the Filipino people, the AFP will continue to build a strong, modern, and credible Armed Forces that our nation can always rely on,” ayon pa sa pahayag. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here