Home NATIONWIDE Isa sugatan sa sunog sa MalabonNATIONWIDETOP STORIES Isa sugatan sa sunog sa MalabonOctober 23, 2025 11:073380 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Isa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa residential area sa Sitio 6, Barangay Catmon, Malabon City.Ayon sa ulat, mabilis na kumalat ang apoy dahilan para lumikas ang mga residente.Umabot sa Task Force Alpha ang sunog bandang 5:40 ng hapon.Iniulat ng Malabon City government na isang residente ang nasugatan na agad dinala sa super health center para gamutin.Nakaranas naman ng hyperventilation ang isa pang indibidwal.Samantala, kinailangang gamutin ang isang bumbero matapos itong kagatin ng aso habang rumeresponde sa sunog.Idineklarang fire under control ang sunog bandang 9:47 ng gabi.Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala rito. RNT/JGC