Home NATIONWIDE 2M food packs inihahanda na ng DSWD sa epekto ng bagyong Salome

2M food packs inihahanda na ng DSWD sa epekto ng bagyong Salome

398
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules, Oktubre 22 ang publiko na nakahanda itong magbigay ng tulong sa mga maaapektuhang komunidad ng Tropical Storm Salome.

Sa pahayag, sinabi ni DSWD spokesperson and Assistant Secretary Irene Dumlao na nasa dalawang milyong food boxes ng family food packs ang inihanda na sa mga warehouse nito sa buong bansa.

“The DSWD, especially through the Disaster Response Management Group (DRMG), always sees to it that we are updated of the latest weather disturbance, its track and areas that are at risk as it traverses our country. Ito ay kahit na marami tayong tinututukan na disaster-hit areas dahil sa sunod-sunod na bagyo at lindol,” ani Dumlao.

“Itong mga stockpile na ito na nasa mahigit kumulang na 1,000 warehouses natin ‘yan na naka-preposition na nationwide kaya makakasigurado ang ating mga kababayan na kung saan man magdala ng malakas na ulan itong TD Salome, mabilis tayong makakapag-paabot ng relief items para sa kanila,” dagdag pa niya.

Mayroon ding non-food items ang DSWD na nagkakahalaga ng P863 milyon katulad ng mga kumot, family hygiene kits, kitchen kits, at modular tents.

Ipamamahagi ito sa mga pamilya na mananatili sa evacuation centers.

Siniguro rin ng DSWD na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan bago pa tumama ang bagyo.

“Laging nasa unahan ng listahan natin na walang Pilipinong magugutom sa gitna ng sakuna at nakakapagbigay tayo ng agarang kapanatagan na palaging bilin ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Magkatuwang po ang DSWD dyan pati na rin ang LGUs, as the disaster frontliners in their areas of jurisdiction,” anang opisyal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here