Home NATIONWIDE ‘The Big One’ pinaghahandaan ng Parañaque LGU

‘The Big One’ pinaghahandaan ng Parañaque LGU

331
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez, kabilang ang mga tauhan ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), General Services Office (GSO), at ng Office of the Building Official (OBO), ang pagkilos upang matiyak at mananatiling matatag ang lungsod kung sakali mang dumating ang isang malakas na lindol na binansagang ‘The Big One’.

Sinabi ni Olivarez na bagamat wala sa fault line ang lungsod ay naninindigan ang lokal na pamahalaan sa paghahanda ng lahat ng pamamaraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa banta ng ‘The Big One.’

Sa kanyang talumpati nitong nakaraang Lunes (Oktubre 20) sa flag-raising ceremony ay binigyang-diin ni Olivarez ang ‘napakahalagang’ papel ng 16 barangays, iba’t ibang kagawaran tulad ng Bureau of Fire Protection-Paranaque (BFP), mga pampublikong ospital ng lungsod gaya ng Ospital ng Paranaque 1 & 2, Department of Interior and Local Government (DILG), Health Emergency Management Services (EMS) team, at Philippine National Police-Paranaque (PNP), ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga natural na kalamidad.

“Kaya nga po ‘yung ating opisina ng Disaster Risk Reduction and Management Office, ay wala pong tigil sa pagbibigay ng edukasyon sa [mga] barangay po natin, sa lahat po ng ating [mga] pamayanan, para po alam [kung] ano po ‘yung katulad, in case ‘yung ating tinatawag na [The] Big One na pwede pong mangyari sa Metro Manila,” dagdag ni Olivarez.

Ayon sa PHIVOLCS, ang Marikina Valley Fault System o “West Valley Fault” ay dumadaan sa Quezon City, Marikina City, Makati City, Pasig City, Taguig City, at Muntinlupa City—na kung saan ang ilan sa mga ito ay karatig-lungsod ng Parañaque.

“Pero, hindi tayo pwede po maging kumpyansa. Tuloy pa din po ‘yung ating paghahanda po dito [para po sa ‘The Big One’],” dagdag pa ni Olivarez. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here