MANILA, Philippines – Nagpadala ng mga feeler ang isang dating mambabatas sa Quezon City na nagpapahiwatig ng intensyon na sabihin ang lahat tungkol sa mga maanomalyang proyekto sa flood control, sinabi ni Ombudsman Crispin Remulla.
Ayon kay Remulla, tumawag ang kanyang kaibigan nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 22 para sabihing gustong tumestigo ng dating kongresista sa kanyang nalalaman tungkol sa mga flood control projects sa lungsod.
Sinabi ni Remulla na ang mambabatas na ito ay hindi na incumbent pero hindi rin sinabi kung anong distrito sa Quezon City ang kinakatawan ng nasabing dating mambabatas.
Samantala, nagpahayag si Remulla ng pag-aalala sa nangyaring sunog sa opisina ng Department of Public Works and HIghways (DPWH) sa Quezon City.
Ayon kay Remulla, maaaring hakbang ito para sirain ang mga ebidensya sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden