MANILA, Philippines – Isasapubliko ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga contractor na nag-donate sa mga kandidato sa 2022 elections kapag nakumpirma na sila ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakakakuha sila ng kontrata sa gobyerno.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hinihintay pa ng Comelec ang validatio nmula sa DPWH kung sino sa 54 na contractor ang may kontrata sa gobyerno.
Muli niyang iginiit na hindi pinapayagan ang mga contractor ng gobyerno na pondohan ang mga kampanya ng mga kandidato sa halalan dahil ito ay paglabag sa Omnibus Election Code (OEC).
Ayon kay Garcia, isasapubliko nila ang lahat bastat may kumpirmasyon na mula sa DPWH na ang mga nagbigay ng donasyon noong kampanya aymga public works contractors. Jocelyn Tabangcura-Domenden