Home METRO Caretaker timbog sa P1.17M ‘bato’

Caretaker timbog sa P1.17M ‘bato’

155
0

ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang isang 54-anyos na lalaking caretaker ng isang farm matapos na makarekober ang mga awtoridad ng mahigit P1 milyon na halaga ng hinihinalang shabu, baril at mga bala sa isinagawang operasyon ng pulisya nitong madaling-araw ng Miyerkules, Oktubre 22, sa bayan ng Sta. Maria ng lalawigang ito.

Ayon sa Sta. Maria Municipal Police Station, ang suspek ay residente ng naturang bayan.

Nagsimula ang implementasyon ng search warrant laban sa suspek bandang 4:15 ng madaling-araw at natapos ito dakong 9:20 ng umaga sa pangunguna ng Sta. Maria MPS, katuwang ang ISPDEU, ISPIU, at PIT-Ilocos Sur.

Sa naturang operasyon ay nakakumpiska ang mga otoridad ng 28 na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 172.5 gramo ang hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P1,173,000.00 ang narekober ng mga otoridad.

Nakarekober din ang mga otoridad ng cal. 45 pistol, isang magazine para sa cal. 45, apat na bala ng cal. 45, isang bala ng cal. 38, mga iba pang kagamitan gaya ng holster, stainless improvised needle, isang strip aluminum foil, isang puting tissue paper, belt bag, isang improvised scoop, unused transparent plastic sachets.

Isinagawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon, sa harap ng suspek at mga mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here