Home NATIONWIDE DOJ kinilala ng UNODC

DOJ kinilala ng UNODC

289
0

MANILA, Philippines – Kinilala ng United Nation Office on Drugs and Crime (UNODC) ang Department of Justice (DOJ) bilang isa sa mga matagumpay na pambansang hakbangin ng Southeast Asia sa pagpapalawak ng access sa legal na tulong sa panahon ng Regional Workshop on Enhancing Equal Access to Legal Aid in Criminal Justice Systems in Southeast Asia na ginanap noong Oktubre 20-25,2025 sa Bangkok, Thailand.

Kinatawan ng Pilipinas si DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez, pinuno ng DOJAC ay inimbitahan ng UNODC na ibahagi ang pinakamahuhusay na kagawian ng bansa sa pagbibigay ng accessible legal aid sa ilalim ng session na pinamagatang “The Role of Different Stakeholders in Providing Legal Aid Services to Groupswith Specfic Needs.”

Sa kanyang presentasyon, binigyang-diin ni Gutierrez ang mahalagang papel ng DOJAC bilang frontline ng departamento na nagbibigay ng hustisya na naabot ng lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasa marginalized at malalayong lugar.

Sinabi ni Gutierrez na ang DOJAC ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng batas at ng mga tao.

Itinatag ito sa isang simple ngunit makapangyarihang misyon upang matiyak na walang Pilipino ang napagkaitan ng hustisya dahil lamang sa hindi nila ito kayang baaran o hindi alm kung saan tutungo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here