Home NATIONWIDE BuCor hirit doblehin medical allowance ng mga PDL

BuCor hirit doblehin medical allowance ng mga PDL

300
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagdinig ng Senado para sa panukalang 2026 budget ng Department of Justice na madagdagan ang medical allowance ng mga persons deprived of liberty (PDL).

Hirit ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., kay Senator Sherwin Gatchalian sa naturang pagdinig na madoble ang medical allowance ng mga PDL mula P15 hangang P30 kada araw.

Aniya, ito ay para mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa mga kulungan.

Giit ni Catapang, isinusulong nila ang “medical parole bill” para sa mga PDL na may edad 70 pataas at mga may malubhang karamdaman.

Ayon pa sa opisya, makataong hakbang ito na tutulong sa decongestion ng mga kulungan at magbibigay-ginhawa sa mga matatanda at maysakit na bilanggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here