Home ENTERTAINMENT Romnick, ipinagdasal ang mga ‘walanghiyang lider’!

Romnick, ipinagdasal ang mga ‘walanghiyang lider’!

292
0

Manila, Philippines – Romnick Sarmenta took to X (former Twitter) his justification kung bakit daw ang haba ng closing credits from a curious netizen.

Ang credits–both opening and closing (also referred to as billboard)–ay listahan ng mga taong bahagi ng proyekto.

Included dito ang buong cast at technical crew.

Post ni Romnick, dapat din daw ay ganoon din kahaba ang pagsasagawa ng mga pagdinig tulad ng hearing on the flood control anomaly.

Katwiran ng aktor: para magkaalaman na kung sino ang may mga maleta.

Hahangaan pa nga raw ni Romnick kung may maglalakas-loob umaming: “I received kickbacks, percentages. Dahil ‘yun ang kalakaran!”

Idinaan na lang din ng aktor sa dasal ang Pilipinas na ang mga lider ay walang moral (without moral compass), walang hiya at walang kakayahan (those inept).

Hindi na kataka-taka ang matapang at walang inuurungang pananaw ng ngayo ay profesor sa kolehiyong aktor.

Kung tutuusin, if he used to have millions of fans noong kasagsagan ng kasikatan niya’y marami pa rin hanggang ngayon if only for his unbending principle. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here